Saturday, June 9, 2018

Kahalagahan ng MRT/LRT sa Mamamayan

                       

                Ano nga ba ang kahalagahan ng MRT/LRT sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga tao? Ano ang mga epekto nito sa mga mamamayan sa ating lipunan at ano ang mabubuting naidudulot nito sa ating mga tao? Sa kasalukuyang panahon, ano ang mga aberya na nararanasan natin sa MRT/LRT? Bakit nga ba patuloy itong tinatangkilik ng mga mamamayan? MRT/LRT nga ba ang solusyon sa ating mabilisang transportasyon? 


                   Sa patuloy na pagbabago ng panahon kasabay rin nito ang pag-unlad ng ating ekonomiya. Isa na ang bansang Pilipinas na kasama sa pag-unlad na ito, dahil sa kagustuhan ng pamahalaan na masolusyonan ang pang araw-araw na hinaing ng mga mamamayan tungkol sa trapik, kaya nagkaroon ng MRT ( Manila, Metro Rail Transit) / LRT ( Manila, Light Rail Transit) na isang solusyon sa maaaring pagbabago sa problema ng mga tao. Lingid sa kaalaman nating lahat mahalaga ang papel na ginagampanan ng MRT/LRT sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Ito ay isang transportasyong sinasakyan ng mga mamamayan na maaaring patungo sa kani-kanilang trabaho upang mas mapadali at maka-iwas sa matinding trapik sa EDSA, ngunit ito rin ang nagiging sanhi ng pagkakaroon nila ng problema minsan ay nagre-resulta ng pagkawala ng trabaho.Ang iba nama'y nakakaranas ng pagkahuli sa kanilang mga klase dahil nga sa mga pangyayaring di inaasahan.

          Sa panahon ngayon patuloy parin ang paglalala ng mga aberya sa operasyon ng transportasyong ito. Kahit ang buwis ng ating mga kababayan ay patuloy ng ginagamit sa paulit-ulit na aberya ng MRT/LRT pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nareresolusyonan kaya ang ilang kapwa mamamayan ay nag-aalala at nag-iisip na kung saan nga ba napupunta ang kanilang ibinibigay na buwis.

                   Hindi pa rin nawawalan ng korapsyon sa gobyerno kaya naman ang mga tao ay patuloy na nagngingitngit sa mga nanunungkulan sa pamahalaan na imbis paunlarin pa ang bansa ay lalo pa itong bumabagsak dahil sa mga taong iniisip lamang ang kanilang pang-sariling kapakanan kahit mismomg mamamayan ang nahihirapan pati na rin sa proseso bago makapasok sa MRT/LRT ; ang mahabang pila, siksikan ,unahan at init bago makapunta sa nais patunguhan. Ang isa pang suliranin tungkol dito ay ang ilang beses na pagkasira ng naturang trasportasyon na patuloy pa rin binabalik- balikan ng mga taong- bayan,




                  Kaya bilang mga estudyante at isa sa mga mamamayan ng Pilipinas, hangad namin ang tamang panunungkulan at serbisyo ng pamahalaan upang mapamunuan ng maayos ang produksyon, kaban ng bayan at higit sa lahat kabutihan at kapanatagan ng kapwa namin mamamayan. Gayundin sa kapayapaan at kaunlaran ng ating buong bansa.


Kahalagahan ng MRT/LRT sa Mamamayan                                         Ano nga ba ang kahalagahan ng MRT/LRT sa pang-araw a...